Ginawang pagdisinfect ng Cainta Rizal Government sa Sitio Halang Barangay San Isindro Cainta Rizal, umani ng batikos mula sa mga residente

Umani ng batikos mula sa mga residente ng Zone 1, 2, 3 at 4 Sitio Halang Barangay San Isidro Cainta, Rizal ang ginawang pagdisinfect ng tanghaling tapat ng walang paalam sa mga residente na nanananghalian.

Ayon kay Dico Aquino, isa sa mga residente, dismayado siya sa ginawang pagdisinfect ng Cainta Rizal Government dahil tanghaling tapat pa naman at kumakain pa sila ng magsagawa ng disinfection ang mga tauhan.

Pakiusap nila kay Cainta Rizal Mayor Keith Nieto na sana kung magsasagawa ng disinfection ang kanyang mga empleyado, dapat ay magsagawa mula ng Public Address at ipabatid sa mga residente kung kalian at anong oras magsasagawa ng disinfection upang hindi malanghap ng mga residente ang kemikals na posibleng maging dahilan ng kanilang pagkakasakit.


Paliwanag ni Aquino, madalas nalang itinataon sa tanghaling tapat ang pagsasagawa ng disinfection kung saan kumakain ng pananghalian ang mga residente.

Giit ni Aquino, hindi naman sila tutol sa isinagawang disinfection dahil nakatutulong ito upang hindi mahahawaan ng COVID-19 pero sana naman hindi nila gagawin sa tanghaling tapat kung saan nag uumpisa pa lamang silang kumakain.

Facebook Comments