Mariing kinondena ng Philippine National Police (PNP) ang paglabag na ginawa ng mga miyembro ng Anakpawis Party-list sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) checkpoint sa Norzagaray, Bulacan.
Ayon kay PNP Chief General Archie Francisco Gamboa, ang planong pamimigay ng mga food packs bitbit ang mga anti-government materials ng mga miyembro ng Anakpawis Party-list ay propaganda activity.
Sinabi ni Gamboa, nakakabahala ang mga hakbang na ito ng grupo kung saan pino-promote nila ang anti-government ideology sa kabila na naranasang national health crisis ng bansa.
Giit pa ng PNP Chief na ngayong panahon ang pinag-uusapan ay life or death kaya kailangang magtulungan para maging epektibo ang ECQ at hindi para maghimok na sirain ang gobyerno.
Bukod sa paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act, mahaharap rin ang mga naaresto sa Executive Order No. 922; Article 151 of the Revised Penal Code of Disobedience at Article 142 of the Revised Penal Code for Conspiracy to Commit Sedition.