Manila, Philippines – Nais ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na magpadala ng note verbale sa China.
Kumbinsido kasi si Esperon na maaaring gawing basehan ang ginawang pagtaboy sa C-130 cargo plane na sinakyan ng grupo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana papunta ng Pag-Asa island sa pagpapadala ng note verbale.
Ayon kay Secretary Esperon – may mga umiiral na protocol sa ganitong sitwasyon at kung masama o hindi tama ang naging warning ng Chinese military sa Philippine aircraft, pwedeng basehan ito ng note verbale o diplomatic note.
Una nang sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos na mas mabuting balewalain na lamang ang nasabing insidente.
Inihayag na rin ni Lorenzana na ang hakbang ay standard move lamang ng China at walang namang nangyaring masama sa naging sagutan sa radio communications.
Nation