Ginawang plebisito sa Mindanao, naging mapayapa – ayon sa AFP at PNP

Naging mapayapa ang isinagawang plebisito sa Mindanao para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

Ito ang kabuuang security assesment ng Armed forces of the Philippines at Philippine National Police.

Ayon kay AFP Western Mindanao Command Spokesperson Col. Gerry Besana, naging maayos ang plebisito sa kabila na hindi agad nakapagsimula ng botohan dahil sa kakulangan ng transportasyon.


Sa ngayon aniya, ang binibigyan ng mahigpit na seguridad ng mga awtoridad ay ang nagpapatuloy na bilangan.

Samantala sa panig ng PNP, sinabi ni PRO ARMM Regional Director Police Chief Supt Graciano Mijares na maayos ang naging plebisito sa buong ARMM.

Pero may Isa aniyang indibidwal ang kanilang naaresto dahil sa paglabag sa gunban sa Lanao del Sur.

Patuloy naman nakaalerto ang PNP sa mga polling centers dahil tuloy ang bilangan ng boto at para imonitor rin ang galaw ng mga peace spoilers sa ARMM.

Partikular aniya nilang tinututukan ay ang Maute group, BIFF, ASG at mga Political wars para hindi makagulo sa magiging resulta ng plebisito.

Facebook Comments