Ginawang surpresang pagbisita sa bansa ni United Nations special rapporteur Agnes Callamard, ikinadismaya ng Malakanyang

Manila, Philippines – Ikinadismaya ng palasyo ng Malakanyang ang ginawang pagbisita sa bansa ni United Nations special rapporteur Agnes Callamard.

Ayon kay presidential spokesman Ernesto Abella – bilang isang opisyal ng UN, dapat muna itong makipag-ugnayan sa gobyerno.

Dagdag pa ni Abella – malinaw na walang intensyon si Callamard na kumuha ng objective na pananaw at kunin ang panig ng gobyerno sa kinukwestyong war on drugs.


Sinabi pa ni Abella na mayroon ngayong Philippine Delegation sa Geneva, Switzerland para ipaliwanag ang hakbang ni Callamard sa United Nations commission for human rights.

Pero mistula aniyang sinalisihan ni Callamard ang Philippine Delegation.

Iginiit naman ni Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo na mag imbestiga man o hindi si Callamard, hindi na sila aasang magiging patas pa ito.

Una nang dumalo si Callamard sa isang aktibidad para sa 30th na anniversary ng Commission on Human Rights (CHR) at sa dalawang araw na seminar ng flag sa University of the Philippines.

DZXL558

Facebook Comments