Ginawang tanong sa SWS survey kaugnay sa kalahati sa mga Pilipino ang hindi naniniwalang nanlaban ang mga napatay sa war on drugs -kwinestyon ng PNP

Manila, Philippines – Walang pinagbatayang imbestigasyon at datos ang inilabas na survey ng Social Weather station.

Ito ang reaksyon ni PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, kasunod ng latest survey ng SWS na sinasabing kalahati sa mga Pilipino ay naniniwalang hindi lahat ng napatay ng pulis sa kanilang operasyon kontra iligal na droga ay nanlaban.

Paliwanag ni Carlos, dapat mayroong matibay na basehan ang SWS sa pagbuo ng tanong sa mga respondents.


Base kasi sa tanong sa survey, binigyan lamang ng opsyon ang mga respondents na sumang-ayon, hindi tiyak at hindi sumasang-ayon para sagutin ang tanong na “marami sa mga pinatay ng mga pulis sa kampanya sa illegal na droga ay hindi totoong nalalaban sa pulis.”

Paliwanag pa ni Carlos, kung walang nanlalaban na drug suspects ay wala sanang namamatay na pulis sa operasyon.

Sa huli, iginagalang naman ng PNP ang naging resulta ng survey ng SWS.

Facebook Comments