GINAWARAN | 19 na sundalong nakipaglaban sa Maute-ISIS Group, binigyan ng promosyon

Manila, Philippines – Nabigyan ng promosyon ang labing syam na sundalong patuloy na nagpapagaling sa Armed Forces of the Philippines Health Service Command at Army General Hospital matapos na mapuruhan habang nakikipaglaban noon sa Maute-ISIS Group sa naganap na Marawi siege.

Ayon kay Philippine Army Spokesperson Lieutenant Colonel Louie Villanueva isinagawa ang donning of ranks ceremony kahapon na pinangunahan mismo ni AFP Philippine Army Chief Lieutenant Colonel Joselito Bautista.

Sa labing syam na mga sundalong ito isa ay na-promote sa master sergeant, dalawang technical sergeants, isang staff sergeant, syam na sergeants, at anim na corporals.


Inihayag pa ni Villanueva na hanggang nitong June 5, 2018 may 25 sundalo pa mula sa Philippine Army ang nagpapagaling sa AFP HSC at syam sa Army General Hospital na makikita sa Fort Bonifacio, Metro Manila.

Sa Seremonya personal nagpasalamat si Lieutenant Colonel Bautista sa mga sugatang sundalo dahil sa kabayanihan ng mga ito para sa bayan.

Sinabi nitong hindi nya makakalimutan ang sakripisyo ng mga sundalo para lamang gampanan ang kanilang tungkulin paglingkuran ang taong bayan.

Facebook Comments