Ginawaran ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ng medalya ng kagalingan ang 20 miyembro ng Makati City Police sa Camp Crame kanina.
Kasunod ito ng matagumpay nilang operasyon sa Time Bar kung saan nakumpiska ang halos 2-milyong pisong halaga ng iligal na droga.
Kabilang sa mga pinarangalan si Makati Police Chief Sr/ Supt. Rogelio Simon at lahat ng miyembro ng Makati Police – Station Drug Enforcement Unit.
Matatandaang naging kontrobersyal ang raid sa nasabing bar matapos arestuhin ang tatlong abogado dahil sa umano’y obstruction of justice at pananakot sa mga pulis.
Napalaya rin ang mga abogado na kabilang sa inakusahan ng “constructive possession” ng mga ipinagbabawal na gamot.
Sa kabila ng mga batikos sa raid, pinayuhan ni Albayalde ang mga pinarangalang pulis na huwag mag-alala dahil kukuha ng mas magaling na abogado ang PNP para sa kanila.