Manila, Philippines – Ginawaran ang Philippine Airlines (PAL) ng airlineratings.com bilang ‘Most Improved Airline Award 2019’.
Ito ay kasunod na rin ng hakbang ng flag ng carrier ng bansa na palawakin ang global footprint nito sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong henerasyon ng eroplano.
Ayon sa rating body, higit 60% ang nagawang expansion ng PAL sa global footprint nito sa nakalipas na taon.
Binanggit din ang mahusay na serbisyo ng A321 NEO flight sa pagitan ng Manila at Brisbane, Australia at A350-900 trans-polar route patungong New York.
Kinilala rin ng airlineratings.com ang modernization initiatives ng PAL.
Binanggit din ang Asia Network ng PAL, maging ang flights nito patungong London, Middle East at ilang North American destinations kabilang ang New York, Toronto at Los Angeles.
Pinuri rin ang international at domestic route network expansion plans ng PAL kabilang na ang patungong Sapporo sa Japan, New Delhi at Mumbai sa India.