GINAWARAN | Sen. De Lima, ikalawang Pilipinong ginawaran ng ‘price for freedom’ award

Manila, Philippines – Pormal na iginawad kay Senadora Leila De Lima ang prestihiyosong ‘Price for Freedom’ award mula sa Liberal International.

Ayon kay Liberal International President Juli Minoves, iginawad kay De Lima ang parangal dahil sa pagtataguyod nito ng karapatang pantao.

Tinanggap ng pamilya ng senador ang parangal sa pangunguna ng kanyang anak na si Israel De Lima.


Binasa naman ang talumpati ng senadora ng kanyang kapatid na si Vicente De Lima.

Sa talumapti nito, sinabi ni De Lima na wala siyang pinagsisisihan dahil ginawa niya ang narararapat.

Inialay din ni Senadora De Lima ang kanyang pagkilala sa kanyang namayapang ama na si dating COMELEC Commissioner Vicente De Lima.

Iginiit ni De Lima na hindi maaring sabihin na ipinaglalaban ang kahalagahan ng buhay kung namumula ang kamay sa dugo ng mga biktima.

Isa ring karangalan para sa nakapiit na senador na mapahanay sa katulad ng namayapang si dating Pangulong Cory Aquino na pinagkalooban din ng award noong 1987.

Facebook Comments