Ginebra at TNT KaTropa, wagi sa mga laban nito sa PBA

Nalusutan ang Barangay Ginebra sa matinding depensa ng Meralco Bolts sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup sa iskor na 110-95.

Aminado si Ginkings coach Tim Cone – na nahirapan sila sa simula kaya labis ang paghanga niya sa kaniyang mga manlalaro na nalusutan ang Bolts.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Ginebra na may 27 puntos at 11 rebounds.


Samantala, sa pamamagitan ng 43 points at 22-rebound performance ni import Terrence Jones, naibitbit niya ang TNT KaTropa sa tagumpay kontra Alaska Aces sa iskor na 99-85.

Dahil dito, ang Ginebra ay may 1-1 habang may 2-0 win-loss na ang TNT.

Facebook Comments