Nalambat ng Barangay Ginebra ang pang-apat na sunod na panalo matapos talunin ang Blackwater Elite, 101-93 sa PBA Governor’s Cup.
Ayon kay LA Tenorio (20 pts.) – mahalagang makapag-focus sa mga ganitong laro dahil dito masusubok ang character ng kanilang team.
Pinaghahandaan na nila ang Meralco, na susunod nilang makakalaban.
Malaking karangalan din para kay Tenorio na mapabilang sa hanay ng mga player na nakagawa ng isang libong ‘3’ points sa kanilang career.
Nasa pangatlong puwesto na ang Ginebra na kaparehas ng Meralco sa race for four ng twice-to-beat incentives sa quarterfinals.
Facebook Comments