Ginebra, wagi kontra Aces; 102-83

Masweteng panimula para sa Barangay Ginebra ang kanilang kampanya sa PBA Governor’s Cup nang talunin ang Alaska Aces sa iskor 102-83.

Namayani ang 30 points, 22 rebounds, limang steals at apat na assists ni GinKings import Justin Brownlee.

Ayon kay Brownlee – ipinakita nila ang pagiging agresibo sa laro.


Dahil dito, dalawa na ang talo ng Aces sa torneyo.

Samantala, tinalo ng Lady Raptors ang Head Office Monarchs sa opening game ng DZXL Radyo Trabaho Volleyball Tournament nitong Sabado.

2 out of 3 sets nagwagi ng Raptos habang 3 out of 5 sets naman ang napanalunan ng OJT Warriors sa laban nito kontra Nota Bulls sa second game.

Dahil dito, maghaharap sa finals ang Lady Raptors at OJT Warriors pagkatapos ng battle for third ng Head Office Monarchs at Nota Bulls.

Maliban dito, maghaharap din para sa championship game ng DZXL RT Basketball Tournament ang team Lunas Kalusugan at RMN Head Office.

Facebook Comments