Naiuwi ng Barangay Ginebra ang playoff spot sa PBA Philippine Cup matapos manalo kontra NLEX sa kanilang banggaan kagabi, 105-96.
Ayon kay coach Tim Cone, hindi naging maganda ang simula ng laro ng gin kings dahil ilan sa kanilang players ang tinamaan ng food poisoning sa mismong laban.
Dahil dito pinangunahan ni Japeth Aguilar ang nasabing palaro na nakagawa ng 27 points.
Nagdagdag naman ng 17 points si LA Tenorio habang gumawa ng tig-14 points sina Greg Slaughter at Kevin Ferrer.
Dahil sa pagkakapanalo ay lumapit na ang koponan sa no. 2 spot dahil sa kartadang 6-3, sunod sa TNT katropa na may kartadang 7-3 at target din ang huling twice to beat advantage.
Facebook Comments