Ginebra, wagi sa first game ng best-of-three series nila ng Magnolia

Nasilat ng Barangay Ginebra ang unang panalo sa best of 3 series nila ng Magnolia Hotshots sa Quarterfinals ng PBA Philippine Cup kagabi.

 

Sa iskor 86-75, inilampaso ng Ginebra ang Magnolia sa pangunguna ni Greg Slaughter na tumabo ng 15 points at 12 rebounds.

 

Dinagdagan pa ito ng 14 points at 3 rebounds ni Art Dela Cruz.


 

Bagamat nasungkit ang unang panalo, hindi pa rin umano magpapakampante si Ginebra Coach Tim Cone kaya paghahandaan nila ang game 2 bukas.

 

Sa panig naman ng Magnolia, gumawa si Paul Lee ng 15 points habang si Ian Sangalang ay nagtala ng 14 points.

Facebook Comments