Manila, Philippines – Makakaramdam ng ginhawa ang mga pasahero ng MRT ngayong Pebrero.
Ito ang tiniyak ni DOTr Usec. TJ Batan sa pagdinig sa Kamara na makakaranas ng maayos na sebisyo ang mga MRT commuters bago matapos ang buwan dahil mag-uumpisa na ang pagdating ng mga spare parts ng tren na inorder pa noong Disyembre.
Ang mga spareparts na inorder ay inaasahan naman na magbibigay solusyon sa madalas na aberya sa MRT.
Muling tiniyak ni Batan na sa kabila ng nangyaring pag-usok ng tren noong nakaraang Linggo ay ligtas pa rin na sakyan ang MRT.
Hindi aniya sila naglalagay ng mga spareparts sa tren na hindi pumapasa sa kanilang checklist safety at certification.
Dagdag pa dito ay sinisikap din ng ahensya na hanapan ng paraan kung papaano magagamit ang Dalian Trains ng China gayong hindi ito akma sa riles ng MRT3.