Manila, Philippines – Inupakan ni Supreme Court Associate Justice Samuel Martires ang akusasyon ng kampo ni Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno na pinilit ng mga mahistrado ang Punong Mahistrado na sumalang sa oral arguments.
Kaugnay ito ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General laban kay Sereno.
Kaugnay nito, inatasan ni Martires ang clerk of court na i-photocopy ang ad cautelam motion to set for oral argument at bigyan nito ng kopya ang media.
Layon aniya nito na maipaabot sa sambayanan na hindi pinilit si Sereno na sumalang sa oral arguments.
Ang ad cautelam motion ay isinumite mismo sa Korte Suprema ng mga abogado ni Sereno para hilingin na isalang ang Chief Justice On Leave sa oral arguments para mailahad ang kanilang mga argumento.