Manila, Philippines – Nagsagawa ng surprise Inspection sa Intelligence Service of the AFP o ISAFP Detention Center sa Camp Aguinaldo si Bureau of Correction Director General Ronald Bato dela Rosa ngayong umaga.
Binisita ni dela Rosa ang mga kulungan ng mga high-profile inmates na sina:
Herbet Colangco,
Robert durano,
Jerry Pipino,
Noel Martinez,
German Agojo,
Jaime Patio,
Thomas Donina, at
Rodolfo Magleo.
Ang mga ito ay inilipat noon sa ISAFP detention center mula sa New Bilibid Prison (NBP) para tumestigo sa kaso ng droga laban kay Sen. Leila Delima.
Paliwanag ni dela Rosa, na ang kanyang pagbisita ay para lang matiyak na hindi maipagpapatuloy ng mga high-profile inmates ang kanilang bentahan ng iligal droga kahit nasa loob sila ng ISAFP detention center, katulad ng nangyayari noon sa NBP.
Sinabi nya pa na napakahigpit nga nila ngayon sa Building 14, Medium at Maximum Compound sa NBP.
Pero kumpyansa naman si dela Rosa na hindi na makakapag-transaksyon sa droga ang mga high-profile inmates dahil maliban sa Bucor guards at Special Action Forc, ay nakabantay din ang Philippine Army ng AFP sa ISAFP detention center.