GINULO ANG HOLY WEEK | Mga ginawang pag-atake ng NPA nitong nakalipas na Semana Santa, kinondena ng AFP

Manila, Philippines – Kinondena ng Armed Forces of the Philippines ang mga ginawang pag-atake ng New People’s Army sa nakalipas na Semana Santa.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Lt. Col. Emmanuel Garcia, ginulo ng teroristang NPA ang payapang paggunita ng Holy Week dahil may mga namatay at mga sinirang pasilidad at kagamitan ng gobyerno ang mga ito.

Isa sa mga pag-atake na kanilang ginawa ay nagresulta sa pagkasawi ng dalawang bagong sukong NPA sa Montevista Compostela Valley.


Sinunog rin ng NPA ang construction equipment kabilang na ang limang units ng backhoe, apat na dump trucks, at isang bulldozer na ginagamit sa paggawa ng kalsada sa Buhangin District Davao City.

Sinabi pa ni Garcia na ang marahas na hakbang na ito ng NPA ay nagpapakita lang ng kanilang tunay na kulay para tawaging terorista dahil wala silang respesto maging sa mga religious activities.

Nanatili naman ang panawagan ng AFP sa militar na maging mapagmatyag at alerto upang mapiglan ang mga pangugulo ng NPA.

Facebook Comments