Girian ng Estados Unidos at Iran, bahagya lamang makakaapekto sa oil industry  

Nakabantay na ang Dept. of Energy (DOE) sa pagiging epekto sa oil industry ng girian sa pagitan ng Iran at ng Estados Unidos.

Nabatid na malaking porsyento ng krudo sa Middle East ay nagmumula sa Iran.

Pero pagtitiyak ni Energy Spokesperson, Usec. Wimpy Fuentebella, bahagya lamang ang magiging epekto nito sa galawan ng presyo sa produktong Petrolyo.


Sinabi naman ni oil industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, binabantayan ang Strait of Hormus, kung saan dumadaan ang mga malalaking oil tankers.

Sakaling ipasara ang naturang daluyan ng tubig ay malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng mundo.

Kung bumuti naman ang sitwasyon sa Iran at patuloy na hindi maaapektuhan ang supply ng Petrolyo ay maaaring magbalik normal ang presyuhan nito.

Facebook Comments