GIRLS’ VOLLEYBALL TEAM NG UMINGAN NATIONAL HIGH SCHOOL, GOLD MEDALIST SA LOCAL TOURNAMENT NG NATIONAL GRASSROOTS VOLLEYBALL LEAGUE

Mula sa grassroots ng bayan ng Umingan ay handa nang sumabak sa next level ng torneyo ang mga miyembro ng Umingan National High School Girls’ Volleyball Team para sa National Grassroots Volleyball League.

Ito ay matapos nilang maiuwi ang gintong medalya kontra sa koponan ng Candon National High School para sa Local Qualifying Tournament ng NGVL Under 16 Category.

Naganap ang naturang tournament nitong February 20 to 22 sa bayan ng Bugallon kung saan nagtapatan ang mga student athletes mula sa mga bayan ng Mapandan, Umingan, Bugallon, Urdaneta, Candon, at La Union.

Ayon sa ating panayam sa kanilang coach na si Coach Louie Anthony De Leon, dahil sa kanilang pagkapanalo, tinanghal na Champion para sa Region 1 ang koponan ng UCNHS at aabante na sila para sa North-Luzon Finals ng National Grassroots Volleyball League.

Buong puso naman silang ipinagmamalaki ng lokal na pamahalaan ng Umingan at nagpahayag ng kanilang suporta para sa grupo.

Tunay ngang kapag sinamahan ng diskarte at disiplina ang galing sa palakasan ay tiyak na maiuuwi ang tagumpay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments