Gitgitan ng mga kampo sa pagkapangulo para pumili ng senatorial aspirants, nagpapatuloy pa rin

Nagpapatuloy pa rin ang gitgitan ng mga kampo sa pagkapangulo sa pagpili ng mga susuportahan nilang senatorial aspirants.

Sa listahang inilabas ng kampo nila Senator Ronald Bato Dela Rosa, Senator Manny Pacquiao, Senator Panfilo Lacson at Vice President Leni Robredo ay lumabas na may pare-parehong kandidato para sa pagkasenador.

Si dating Department of Information and Communications Technology o DICT Secretary Gringo Honasan ay nasa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban Cusi Wing at Lacson-Sotto Tandem.


Pare-pareho namang manok ng team Leni–Kiko, Lacson-Sotto at Pacquaio-Atienza ang mga target na makabalik sa senado na sina; Senator Migz Zubiri, Joel Villanueva, Richard Gordon, Chiz Escuderro, Loren Legarda at dating Vice-President Jejomar Binay.

Nasa listahan naman nina Pacquiao at Lacson ang batikang broadcaster na si Raffy Tulfo.

Sa ngayon, umabot na sa 14 ang senatorial slate ng Lacson-Sotto tandem habang iaanunsiyo naman sa tamang panahon kung sino ang magiging ika-12 spot sa senatorial lineup ng kampo ni Robredo.

Inaasahang sa Disyembre ay ilalabas ng Commission on Election o Comelec ang pinal na listahan ng mga kandidato para sa 2022 elections kung saan halos 95% dito ang inaasahang mawawala kapag natapos na salain ang mga kandidato.

Facebook Comments