Nakapagtala ang Department of Health (DOH) sa Gitnang Visayas ng 372 bagong kaso ng dengue sa loob lamang ng isang linggo.
Batay sa latest bulletin ng DOH-Region 7, pumapalo na sa 11,475 ang kaso ng dengue sa buong rehiyon mula Enero hanggang Agosto habang nasa 72 ang namatay dahil sa sakit.
Nangunguna pa rin ang lalawigan ng Cebu na may pinakamataas ng kaso ng dengue na aabot sa 4,457 at mayroong 27 nasawi na sa sakit na sinundan ng Cebu City na may 2,087 cases at 25 deaths.
Ayon sa DOH, itinuro nilang dahilan sa pagtaas ng kaso ng naturang sakit sa nararanasang tag-ulan kung saan dumarami ang pwedeng pamugarang stagnant water ng mga lamok.
Dahil dito, puspusan ang mga lokal na pamahalaan upang puksain ang mga posibleng mosquito breeding areas at pinaalalahanan ang publiko na 4-S strategy upang labanan ang nakamamatay na sakit.