GIYERA KONTRA NPA | Kalahati ng pwersa ng NPA, target na ma-neutralize

Manila, Philippines – Target ng militar na ma-neutralize ang kalahati ng pwersa ng NPA ngayong 2018.

Ayon kay AFP chief of staff General Rey Leonardo Guerrero, ang hakbang nilang ito ay kasabay ng nagpapatuloy na momentum ng AFP laban sa lahat ng threat groups.

Sinabi ni Guerrero, mula 2016 hanggang 2017, nagawa ng AFP na mabawasan ng 40 porsyento ang pwersa ng NPA sa buong bansa.


Aniya, marami pa rin sa mga armas ng terroristang grupo ang na-recover ng militar at napababa ang bilang ng mga NPA-infested na barangay.

Sa ngayon aniya ay nasa 3,700 ang nalalabing miyembro ng NPA, dahil sa malaking bilang narin ng mga boluntaryong nagsisuko nitong taong ito.

Inamin naman ni Guerrero na magkakaroon ng malaking epekto sa kanilang kampanya kontra sa NPA at iba pang mga threat groups tulad ng BIFF at Abu Sayyaf, kung sakaling magtagumpay ang petisyong ipatigil ang martial law sa Mindanao.

Paliwanag ni Guerrero, malaking bilang ng kanilang mga operasyon sa mga threat groups na ito ay sa Mindanao, na madali nilang naisasagawa dahil sa kapangyarihang ipinagkakaloob sa kanila ng martial law.

Partikular aniya sa mga ito ang pagsasagawa ng mga checkpoint, vigilance patrols, visibility patrols at intensified military operations.

Facebook Comments