GIYERA KONTRA NPA | PNP, dapat maging mas handa laban sa mas malalang pag-atake ng NPA

Manila, Philippines – Pinagdodoble ingat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) laban sa puwersa ng teroristang grupong New People’s Army.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa turn over ceremony ng 26 na units ng Mitsubishi Patrol Vehicle at ang inagurasyon ng bagong Regional Crime Laboratory ng Region 11 ay sinabi nito na dapat ay magbantay ng mabuti ang PNP sa buong bansa sa posibleng pag-atake ng NPA.

Paliwanag ni Pangulong Duterte, inaasahan na niyang mas malala ang gagawing pagatake ng mga terorista dahil sa kanyang desisyon na tuluyan nang putulin ang pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga ito.


Matatandaan na pinutol ni Pangulong Duterte ang peace talks sa NPA dahil sa kawalan ng sinseridad ng mga ito para sa kapayapaan at patuloy na pag-atake sa puwersa ng pamahalaan at maging sa sibilyan.

Facebook Comments