Manila, Philipines – Kinundena ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang tangkang pagdukot ng NPA sa isang Citizen Active Auxiliary, sa Compostela Valley at pang-ha-harrass sa isang Army Detachment sa Davao oriental noong pasko December 25.
Ayon Kay Philippine Army 10 ID Commander, Major General Noel S. Clement, malinaw na paglabag sa idineklarang ceasefire ng NPA ang nasabing insidente.
Sa report ni 10th ID spokesperson Capt. Jerry Lamosao, tinangkang dukutin 30 NPA sa pamumuno ni Ka Jekol at Ka Ramie Ang CAFGU na si Arbilito A. Catampao sa Sitio Madian, Barangay Tubaon, Tarragona, Davao Oriental.
Isa pang insidente ang paglusob ng hindi determinadong bilang ng mga NPA na miyembro ng Guerilla Front (GF) 34 sa Melale Patrol Base (PB) ng 1st Platoon, 4th CVP CAFGU active Auxiliary Corps sa ilalim ng 72IB sa Brgy Melale, Laak, Compostela Valley.
Iniulat ni Capt. Lamosao na pumusisyon ang mga NPA ng 250 metro mula sa patrol base, pero dahil sa naka-alerto ang mga tropa, agad dumepensa ang mga ito na nagresulta sa pag-atras ng kalaban matapos ang 2 minutong palitan ng putok.
Tiniyak naman ni Mgen. Clement na sa kabila ng mga paglabag na ito sa ceasefire na ginawa ng NPA, ay paninindigan ng militar ang unilateral ceasefire ng gobyerno na epektibo mula 6pm na December 23 hanggang 6pm ng December 26 at 6pm ng December 30 hanggang 6pm ng January 2 ng susunod na taon.