Manila, Philippines – Handang ipagtanggol ni PNP Chief Ronald Dela Rosa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga gustong magpabagsak ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Dela Rosa, hinahamon niya ng giyera o kudeta ang mga kritiko ng administrasyon.
Hindi aniya kailanman ipinag-utos sa kanya ng Pangulo na pumatay ng mga lulong sa ipinagbabawal na gamot na ginagamit ng mga taga-oposisyon para hilahin pababa ang administrasyon.
Binanatan din ni Dela Rosa si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano matapos nitong ihayag na itinatanim lamang ng pulisya ang mga ebidensyang nakukuha sa kanilang operasyon kontra droga.
Hinamon din ng PNP Chief ang mga kritiko ng Pangulo na patunayan ang mga ibinibintang at huwag magkalat ng maling impormasyon para linlangin ang publiko.