Manila, Philippines – Pumalag ang Department of Foreign Affairs sa naging pahayag ng 39 na bansa hinggil sa umano’y climate of impunity ng Duterte Admin sa nagpapatuloy na gyera kontra illegal na droga.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Allan Peter Cayetano biased at kwestyunable ang impormasyong pinagmulan ng nasabing ulat.
Sinabi pa nito na nabigo ang mga bansang ito na makita ang effort ng pamahalaang Pilipnas na makiisa sa isinusulong na adhikain ng international community hinggil sa human rights issues.
Ikinadismaya pa ng kalihim ang pagpuna ng ilang bansa na tila mas alam pa ng mga ito kung ano ang mas makakabuti sa mga Filipino.
Inihalimbawa pa nito ang pagiging biased ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard dahil hinusgahan na nitong guilty ang Duterte Admn sa kaliwat kanang paglabag sa karapatang pantao.
Kabilang sa mga bansang ito ay ang United States, Canada at Australia na kilalang major trading partners at political allies ng Pilipinas.