Giyera sa iba pang kontinente, posibleng kumalat pa kung makukubkob ng Russia ang Ukraine — Zelenskyy

Posibleng kumalat o lumaganap sa ibang kontinente o rehiyon ang giyera kung tuluyang makukubkob ng Russia ang Ukraine.

Sa isang panayam, sinabi ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy na sa oras na mangyari ito ay isa itong malaking trahedya kung saan inaasahan ang malaking bilang ng casualties.

Dahil dito, kailangan aniyang magkaisa ang mga bansa sa sa mundo para hindi magtagumpay ang Russia na makubkob ang Ukraine.


Paliwagan ni Zelenskyy, kung mananatiling malakas at matatag ang Ukraine ito ang magiging hudyat sa iba pang mga bansa na huwag nang magtangkang mang-agaw pa ng ibang malayang bansa.

Facebook Comments