Giyera sa korapsyon, illegal drugs at kriminalidad, ipagpapatuloy ng Lacson-Sotto tandem

Ang panalo ng Lacson-Sotto tandem sa May 9 elections ay isang maswerteng araw para sa mga Filipino.

Ito ang sagot ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson nang tanungin siya ng media kung ipagpapatuloy niya ang laban kontra corruption, illegal drugs at kontra kriminalidad ng Duterte administration.

Ani Lacson, posible nila itong magawa ng walang ibang intensyon kundi ang tumulong.


Ani Lacson, bilang dating top cop, tututok ang kaniyang administration sa tatlong pangunahing problema.

Gayunman gagawin nila ito ng tama at umaalinsunod sa due process.

Sa panig ni Senate President at vice presidential candidate Vicente “Tito” Sotto, ang problema sa illegal drugs ay kailangan na nang complete overhaul.

Bilang dating chair ng Dangerous Drugs Board, ang illegal drugs ay mahirap labanan kung ang mga nagpapatupad nito ay nakatutok lang sa law enforcement.

Facebook Comments