Manila, Philippines – Binigyan ng military honors ang labi ng isa sa mga sundalong missing in action sa nangyaring giyera sa Marawi City
Kinilala itong si Private Alejandro Balean na miyembro ng Philippine Navy.
Ayon kay Captain Maria Rowena Dalmacio, ang tagapagsalita ng Philippine Marines isinagawa ang military honors kaninang umaga sa Headquarters ng Philippine Marines sa Taguig City.
Aniya ang nawala si Balean noong June 9, 2017 sa bahagi ng Mapandi Bridge, Brgy Daguduban, Marawi City habang nakikipag barilan sa mga miyembro ng Maute Terrorist Group.
Noong August 3, 2017 nakatanggap ng text message ang isang senior officer sa Marawi na agad ipinaalam sa Marine Batallion Landing Team 7 na may isang bangkay ang narekober sa Brgy Rurog Agus Marawi City.
November 12, 2017 Agad na kinunan ng DNA samples ng PNP SOCO ang bangkay at kapatid ni Private Balean.
December 4, 2017 nang lumabas ang resulta ng DNA at dito na natukoy na ang narekober na bangkay ay si Private Balean.
Sa ngayon ayon kay Col Romeo Brawner ang Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao, umaabot na sa 168 ang naitalang nasawing sundalo dahil sa naganap na gyera sa Marawi City.