Giyera sa Marawi, magsilbing leksyon sana ayon kay OPPAP Secretary Dureza

Marawi City – Magsilbing leksyon sana sa mga taga Marawi ang nangyaring giyera sa kanilang lugar isang taon na ang nakalipas kahapon.

Ito ang pahayag ni Office of the Presidential Adviser for the Peace Process o OPPAP Secretary Jesus Dureza.

Sinabi ni Dureza, sa pagsiklab ng giyera sa Marawi marami ang nagbuhis ng buhay lalong-lalo na mga miyembro ng kasundaluhan para lang ma-protektahan at hindi maagaw ng mga teroristang grupo ang Marawi City.


Sa ngayon, sinisiguro ni Dureza na patuloy ang pagbigay ng tulong ng pamahalaan sa Marawi lalong-lalo na yung hanggang ngayon ay nasa mga tent at evacuation center pa nakatira.

Dagdag ni Dureza na hindi titigil ang pamahalaan sa pagtulong pamamagitan ni Presidente Rodrigo Duterte hanggat hindi makakabangon ang Marawi City.

Facebook Comments