Giyera sa Marawi, patapos na pero nasa critical stage na ang bakbakan

Manila, Philippines – Patapos na ang giyera sa Marawi City.

Ayon ito sa Armed Forces of the Philippines.

Sabi ni Joint Task Force Marawi Spokesperson Capt. Jo-Ann Petinglay – nasa critical stage na sila ng bakbakan.


Ibig sabihin, malapitan na ang pagpapalitan ng putok ng mga sundalo at mga terorista.

Mas hinigpitan na rin ng tropa ng gobyerno ang pagbabantay sa Lanao lake kung saan posibleng tumakas ang mga Maute.

Sa ngayon nasa 116 na ang bilang ng mga sundalong nasawi sa giyera.

Facebook Comments