Manila, Philippines – Araw na lang ang bibilangin at matatapos na ang giyera sa Marawi City.
Ito ang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa harap ng nagpapatuloy na bakbakan sa siyudad.
Ayon kay AFP-WESTMINCOM Commander Lt. Gen. Carlito Galvez – sampu hanggang labinlimang araw na lang at tuluyan nang mapupulbos ng militar ang mga terorista.
Tatlong miyembro naman ng Maute group ang sumuko na sa Militar.
Sabi ni Galvez, senyales ito na mahinang-mahina na at konti na lang ang kanilang kalaban.
Samantala, sa Bato Mosque na una nang nabawi ng militar narekober ang anim na sako ng mga barya at pako na ginagawang shrapnel sa paggawa ng bomba.
Labinlimang katawan din ng mga terorista ang narekober sa lugar.
Facebook Comments