Global action para sa kapakanan ng OFW, idinulog ng DOLE

Manila, Philippines – Ipinakiusap na ng Department of Labor and Employment sa International labor Conference ang pagtiyak sa kaligtsan at kaseguraduhan sa trabaho ng mga Pilipinong naghahanapbuhay sa ibayong dagat.

Sa kaniyang pagharap sa pulong ng Committee on Labor Migration ng International Labor Conference , hiniling ni Undersecretary Ciriaco Lagunzad III ang isang global action laban sa mga pang aabuso ng mga amo sa mga migrant workers.

Sinabi ni Lagunzad na lahat ng bansa na miyembro ng komite y may moral na pananagutan para tiyakin na ang mga ligtas at disente ang trabaho ng mga migrant workers.


Kabilang sa mga usapin na tinalakay sa pulong ay ang karapatan na makasama sa asosasyon, ang karapatan sa collective bargaining, paglaban sa forced labor, at child labor, a ang pagbura sa discrimination sa employment and occupation.

Facebook Comments