Global agreement para sa digital vaccine cards, ipinanawagan ni Pangulong Duterte

Napapanahon na para sa buong mundo na magkaroon ng internationally recognized digital vaccination certificates para buksan ang mga ekonomiya na pinadapa ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang talumpati sa Asia Pacific and Economic Cooperation (APEC) Leader’s Retreat, iginiit ni Pangulong Duterte na hindi sustainable na paraan tungo sa pagbangon ang paraan ng mga bansa na magkaroon ng ‘travel bubbles.’

Dapat magkaroon ng inisyatibo ang APEC na ayusin ang international travel habang pinoprotektahan ang kaligtasan ng publiko.


Dagdag pa ng Pangulo na ang mga digital vaccination certificates ay dapat scientific, verifiable, at non-discriminatory.

Bukod dito, sinabi rin ni Pangulong Duterte na maraming bansa tulad ng Pilipinas ang napilitang itaas ang fiscal spending sa mitigation at recovery measures dahilan para lumobo ang utang nito.

Kaya pinamamadali ni Pangulong Duterte sa APEC ang pagtatatag ng Free Trade Area of the Asia Pacific, na mula sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) agreement at iba pang regional arrangements.

Ang RCEP ay isang free trade agreement sa pagitan ng Asia-Pacific nations gaya ng Australia, Brunei, Cambodia, China, Indonesia, Japan, Laos, Malaysia, Myanmar, New Zealand, Pilipinas, Singapore, South Korea, Thailand, at Vietnam.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng Malacañang na dapat magkaroon ng international agreement para sa standard certificate para hindi mahirapan ang mga bansa sa pagberipika ng COVID-19 vaccination cards.

Facebook Comments