Pumalo na sa mahigit 105.2-million ang bilang ng COVID-19 cases sa buong mundo.
Batay sa tala ng Johns Hopkins University, kasama na sa kabuoang bilang ang nasa mahigit 2.2-million na nasawi at mahigit 58.5-million na gumaling sa COVID-19.
Nangunguna pa rin ang Amerika sa maraming COVID-19 cases na ngayon ay pumalo na sa mahigit 26.7-million.
Pumangalawa ang India na may mahigit 10.8-million na kaso at ikatlong ang Brazil na nakapagtala ng mahigit 9.3-million infections.
Dito sa Pilipinas, umabot na sa kabuuang 533,587 ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan nasa umakyat na sa 11,058 ang nasawi.
Facebook Comments