Global Cebu FC at FC Meralco Manila, magtutuos mamayang hapon sa Rizal Memorial Stadium

Sports – Muling maghaharap ang Global Cebu FC at FC Meralco Manila sa pinakaabangang rematch ng dalawang koponan sa Philippines Football League mamayang alas kuwatro ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Ito ang unang laro ng Meralco Manila matapos lumipat sa San Miguel Davao Aguilas ang magkapatid na si Phil at James Young husband.

Bagong anyo rin ang Global Cebu dahil nawala sa koponan si Matt Hartmann at Nick O’Donnell na nakuha rin ng Davao sa transfer window ng liga.


Ito rin ang unang laro para sa koponan ng nagbabalik sa liga na si Rufo Sanchez, Dominic del Rosario at Darryl Regala.

Facebook Comments