Manila, Philippines – Umiskor sa 12th minute si Curt Dizon para makakuha ng 1-1 draw ang Global Cebu FC sa bumibisitang Bali United FC ng Indonesia kagabi sa pagpapatuloy ng 2018 AFC Cup sa Rizal Memorial Stadium.
Halos sampung minuto na lang ang natitira sa laro ng maisalpak naman ni Ilija Spasojevic ang bola sa net para maitabla ang laro.
May pagkakataon pa sana ang Global para makuha ang panalo pero hindi nila naiconvert ang kanilang mga tira sa goal.
Napiling Man of the Match si Global Cebu FC skipper Patrick Deyto matapos nitong pigilan sa 80th minute ang penalty kick ni Stefano Lilipaly para mapanatili ang score sa 1-all.
Samantala, umiskor ng strike si Super Herrera sa 78th minute para maisalba ang Ceres Negros FC sa 1-all draw kontra Home United sa Jalan Besar Stadium sa Singapore.