Sports – Umiskor si Darryl Roberts ng dalawang goal para pangunahan ang Global Cebu FC sa 2-1 na panalo o 4-3 sa aggregate kontra Hougang United sa second leg ng kanilang semifinal match-up sa Hougang Stadium.
Naunang naka iskor ang Hougang pero agad naitabla ni Roberts ang laro. Nalagay pa sa alanganin ang kampanya ng Global matapos mapatalsik sa laro si Dennis Villanueva sa 71st minute dahil sa ikalawa nitong yellow card sa laro.
Pero muling naka-goal si Roberts sa 72nd minute at hindi na hinaayaan pa ni team captain at goal keeper Patrick Deyto na makatabla pa ang Hougang.
Dahil sa panalo…ang Global Cebu FC ang kauna-unahang Pinoy club na nakarating sa finals ng Singapore Cup.
Facebook Comments