Global Cebu FC panalo kontra Beoungket Amkor sa Singapore Cup

Sports – Umiskor ng brace si Paolo Salenga habang nag-ambag ng isang goal si team captain Misagh Bahadoran para pangunahan ang Global Cebu FC sa 3-1 na panalo laban sa Beoungket Angkor ng Cambodia sa Quarterfinals ng 2017 Singapore Cup sa Jelan Basar Stadium.
Agad binasag ni Salenga ang depensa ng Beoungket sa ika-pitong minuto ng laro matapos ang scramble sa loob ng box.
Dinoble naman ni Bahadoran ang lamang ng natirirang Pinoy club sa kompetisyon bago matapos ang first half.
Nakabawi ng isang goal ang mga Cambodian sa 53rd minute pero nakumpleto ni Salenga ang kaniyang brace sa 68th minute para sa impresibong panalo ng mga taga-Cebu.
Muling maghaharap ang Global Cebu at Beoungket para sa pangalawang leg ng kanilang last 8 showdown sa Agosto a-onse.

Facebook Comments