Global Cebu FC, pasok na sa Final Four ng Philippines Football League

Sports – Naisalpak ni Rufo Sanchez ang kaniyang ikatlong goal sa stoppage time para ibigay sa Global Cebu FC ang come-from-behind na 4-3 panalo kontra Stallion FC Laguna para makuha ang number spot sa post-season ng Philippines Football League.

Lamang ang Stallion, 3-2 pagkatapos ng 68th minute sa brace ni Yannick Tuason at tila mapipigilan pa nila ang pag-abante ng mga Cebuano sa semifinals.

Pero naitabla ni Wesley Dos Santos ang laro sa 89th minute bago ang winning strike ni Sanchez sa 93rd minute.


Sa Bacolod, tinambakan naman ng Ceres Negros FC ang Davao Aguilas, 5-1.

Facebook Comments