GLOBAL COMPETITIVENESS | DOE palalakasin ang petroleum exploration industry

Upang mapalakas ang petroleum exploration industry sa bansa, ilulunsad ng Department of Energy (DOE) ang Philippine Conventional Energy Contracting Program sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, agresibo ang pagsisikap ng DOE sa pagpapatupad ng programa upang higit na mapalakas ang exploration program sa bansa.

Sinabi ng kalihim, napag-iwanan na tayo ng mga karatig bansa sa punto ng petroleum exploration at development activities.


Kailangan aniyang maabot ng bansa ang energy security and sustainability upang maibsan ang epekto ng pabago-bagong presyo ng langis sa pandaigdigan merkado.

Paliwanag ni Cusi ang paggamit ng indigenous energy resources ay makatutulong na matugunan ang tumataas na energy demand sa bansa.

Noong nakaraang Oktubre, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang unang service contract sa ilalim ng kanyang administration.

Ang Service Contract no. 76 sa Eastern Palawan ay ibinigay sa kumpanyang Israeli na Ratio Petroleum Ltd.

Sa kasalukuyan, mayroon 23 active petroleum service contracts sa Pilipinas. Kasama ang mga sumusunod na developer: Shell Philippines Exploration, Total E & P, PNOC-EC, Nido Petroleum, Philodrill, PXP Energy and Galoc Production Company.

Ang pinakamalaki at pinakamatagumpay na natural gas industrial project sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang Malampaya Deep Water Gas-to-Power Project.

Facebook Comments