Sumampa na sa mahigit 7.6 million ang naitalang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Ayon sa inilabas na datos ng John Hopkins University, umabot na sa kabuuang 7,629,227 ang naitalang kaso ng COVID-19 kung saan nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamaraming kaso na may mahigit two million cases.
Maliban dito, nadagdagan din ang bilang ng mga namatay kung saan ay nasa 425,330 worldwide na ang bilang sa kasalukuyan.
Sa kabilang banda, nasa 3,613,211 million naman ang naitalang recoveries ng nasabing sakit sa buong mundo.
Facebook Comments