Global death toll ng COVID-19, pumalo na sa mahigit 30,000!

187

Pumalo na sa 30,865 ang bilang ng nasawi sa buong mundo dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Sa nakalipas na magdamag, higit 3,000 panibagong kaso ng pagkasawi ang naitala.


Pinakamarami sa nasawi ay mula sa Italya na sumampa na sa 10,023.

Sa Spain, umabot na sa 5,928 ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Pangatlo ang China na may 3,300 death toll habang 2,517 sa Iran.

Dito sa Pilipinas, nasa 1,075 na ang timanaan ng sakit, 68 ang nasawi habang 35 ang naka-recover na.

Sa kabuuan, aabot na sa 663,248 ang COVID-19 cases sa buong mundo.


Facebook Comments