Global death toll ng COVID-19, sumampa na sa higit 240,000

37

Pumalo na sa higit 240,000 ang bilang ng nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19.

Base sa Armed Forces of the Philippines (AFP) tally, 85% sa mga nasawi ay naitala sa Europa at Amerika.

Sa 1,516,635 na COVID-19 cases sa Europe, 141,475 na ang nasawi.

Habang sa tala ng Johns Hopkins University, sumampa na sa 66,224 ang namatay sa Amerika mula sa higit 1.1 milyong kasong naitala rito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang higit 3.3 milyong coronavirus cases sa buong mundo.

Facebook Comments