Global death toll ng COVID-19, sumampa na sa higit 86,000

75

Pumalo na sa 86,289 ang bilang nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19.

Malaking bilang ng nasawi ay naitala sa Europe na aabot sa higit 60,000.


Kabilang dito ang 17,669 na nasawi sa Italy; 14,555 sa Spain; 10,869 sa France at 7,097 sa Britain.

Sumampa naman sa higit 1.46 million ang tinamaan ng sakit kung saan 400,000 ang naitala sa Amerika; 13,800 dito ang namatay.

Sa Pilipinas, umabot na sa 3,870 ang COVID-19 cases; 182 ang nasawi habang 94 na ang gumaling.

Facebook Comments