Global death toll ng COVID-19, sumampa na sa mahigit 4,000

Umakyat na sa 4,025 ang nasawi sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 3,136 ay mula sa China habang pumapangalawa sa may pinakamataas na death toll ang Italy na may 463.

Nakapagtala na rin ang Germany ng unang dalawang nasawi.


Kabilang rin sa mga bansang nakapagtala ng fatality ang:

  • Iran – 237
  • South Korea – 53
  • France – 30
  • USA – 26
  • Spain – 30
  • Japan – 16
  • Iraq – 7
  • UK – 5
  • Netherlands – 4
  • Hong Kong – 3
  • Australia – 3
  • Switzerland – 2
  • Egypt – 1
  • Thailand – 1
  • Taiwan – 1
  • San Marino – 2
  • Argentina – 1
  • Canada – 1
  • Philippines – 1

Samantala, lumobo na sa 114,343 ang bilang ng tinamaan ng sakit sa 113 mga bansa at teritoryo.

Pero halos 64,000 dito ang naka-recover na.

Dalawang Pinoy naman sa Lebanon ang kumpirmado ring nahawaan ng COVID-19 at kasalukuyang naka-quarantine sa isang ospital sa Beirut.

Facebook Comments