Determinado ang Manila Water Foundation na isulong ang Hygiene Education sa mga mahihirap na mamamayan sa bansa.
Ginugunita ngayon ang taunang selebrasyon ng Global Handwashing Day na ang pangunahing adbokasiya nito ay turuan at sanayin ang tao sa wastong paglinis o paghuhugas ng kamay.
Mula taong 2013, mahigit labing-dalawang milyong indibidwal na ang naaabot ng Manila Water Foundation.
Matapos ng pagdiriwang sa San Mateo, Rizal kahapon, sunod namang idaos ng Manila Water Foundation ang selebrasyon sa North at South Luzon, Visayas at Mindanao sa iba’t-ibang araw ng Oktubre.
Bibisitahin nila ang mga eskwelahan, komunidad at iba pang commercial establishments.
Facebook Comments