GLOBAL PEACE INDEX | Pilipinas, bumaba ang level ng pagiging payapa

Manila, Philippines – Persepsyon lamang para sa pamunuan ng Philippine National Police ang ginawang pagaaral ng Global Peace Index (GPI) na sinasabing bumaba ang lebel ng pagiging payapa ng Pilipinas o pumapangalawang bansa na least peaceful sa buong Asia Pacific Region.

Paliwanag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde Mas naririnig o nababalitaan ng mga taga ibang bansa ang nangyayaring patayan o nakawan sa bansa kesa ang umiiral na peace and order kaya ganito ang naging persepsyon ngayon sa Pilipinas.

Posible rin aniyang epekto ito ng mga ibinibalita ng ibang sektor na nagaganap na human rights violations sa bansa.


Kaya hamon ni PNP Chief sa grupong nagsasagawa ng pagaaral na tumungo sa Pilipinas at obserbahan ang peace and order sa bansa.

Facebook Comments